LAB SUNG
mahilig akong makinig sa love songs lalo na yung may mga music videos. mapaluma man yan o yung napapauso. mula kay kenny loggins hanggang kay katie perry. lahat sila ay gusto ko. para sa akin kasi, para silang mga short love stories. isang love story na encapsulated in three or four paragraphs. may tugtog pa at enactment oh dba. ang astig? alam mo yung for a moment, you belong in that love story. you're taken away by that moment. suddenly you picture yourself. isa ka sa mga main characters, taking part in that little drama. yung narration, sequences, emotions at yung musika. swak lahat kung baga. mala-theatrical. mala-soap opera. short love stories. siguro din kasi pare-pareho sila lahat. alam mo na pagkatapos ng first verse, nandun yung chorus tas may second verse, balik sa chorus, yung bridge, tas yung chorus ulit. pagkatapos nun, unti-unting mag fe-fade out yung instrumentals sa ending. and before you know it, your made-up fantasy is done. oo. pare-pareho sila lahat. lahat sila may ending. three or four minutes lang ang life span nila, matatapos din. siguro din diyan sa pagkahumaling ko sa love songs hinulma ko ang sarili kong experiences. mahilig akong mag fantasize. ma-inlove. inlove ako sa idea ng love. gusto kong nilalasap siya, dinaramdam, ine-emote. gusto kong ma-abuse ako. o kaya naman ako yung ma-abuse. napaka-masochistic ano? pero ganun ako. i want to take from it as much as i can. savor it till the last miniscule drop. all or nothing kung baga. why love if you don't give it your all? ayoko ng half-baked. gusto ko puro. at lagi kong inisip na magiging masaya ako dahil dun. lahat na ata ng klaseng tao minahal ko na. emo. gangster. bad boy. spoiled brat. wallflower. chick boy. effeminate. sa totoo lang. wala pala masyadong difference. ang sama ko ano. ginawa ba naman silang lab rats? hindi naman. it's not to say i didn't love them all because i did. love is all the same naman. i've always believed yung pagmamahal nagkakatawang tao lang. it's the same love in different packages. but love remains the same. yung nagsasabing nakakasakit ang pagmamahal. mga ilusyonado kayo. love is perfect. nagkataon lang. humans aren't that's the beauty of it di ba? the pain we think that love causes is just an illusion. kasi na man ang boring naman kung walang nasasaktan di ba? xempre kunyari meron daw. para may drama. para may effect. sinisisi niyo pa ang pagmamahal. kapal niyo. anyway. so back to my story na nga di ba? yung pagiging masochistic ko. kasi naman ang tao. they always want what they can't have. eh ganun na ganun ako. feeling ko heroine ako. feeling ko kaya ko ibigay sa isang tao yung kailangan niya. yung pinaka hinahanap-hanap niya. ang bagay na lahat tayo yun ang gusto makuha. and we spend all our lives searching for it: infinite happiness. at inisip kong pagmamahal lamang ang makapagbibigay noon. na pagmamahal lamang ang kailangan nila. so eto naman ako. feeling savior ulit. feeling perfect. feeling. feeling talaga. eh sa nakalimutan ko nga pala yung fascination ko sa love songs di ba? lahat nga pala ng love songs natatapos din. kaya ayun. feeling ko rin hindi ako pwedeng magtagal sa isang relationship. may ending dapat. may fade out na part kung baga. kaya naman. yung mga pinangakuan ko ng infinite happiness. biglang naguguluhan. bakit kailangan tapusin eh wala namang problema? kasi nga pala. naka-program ako. unconsciously, na built up yun sa isip ko. wala pa kasi akong naririnig na love song na hindi nagtatapos. lahat kasi sila may life span para sa akin. so ayun tinapos ko naman agad din na walang pag-aalinlangan. and then after a few months. bagong love song na naman yung tinutugtog ko. at may bagong katambalan na naman ako sa drama ko. sa totoo lang very recent lang ang discovery ko na ito, milestone discovery pa nga kung baga. siguro kasi din it came to a point na naramdaman ko at nasabi ko sa sarili ko. "this just isn't right" alam mo yung ayoko nang mang involve pa na tao sa mga personal experiments ko. di naman sa pinaglalaruan ko sila. pero it came to a point na sumobra na nga yung mga ginawa ko... suddenly i kissed a stranger. suddenly i held hands with someone i didn't even think i know... suddenly i caught myself saying i love you when i didn't. and now it's like waking up from a dream. parang biglang sinampal ako ng bonggang-bongga. alam mo yun? when everything else doesn't mean a thing at all? para bang you catch yourself in your own little drama. pero hindi na ikaw yung umaarte. biglang mag zo-zoom out yung picture. tas mag pa-pan ng bonggang-bonggang slow motion. may pa-suspense na back ground music. effects habang nag zo-zoom in sa subject. and before you know it, ikaw na pala yung nakaupo sa director's chair. you're looking at it in a much bigger perspective. nakikita mo na may mali sa placement ng back ground. naririnig mo na sentonado na pala yung tumutugtog na music. napapansin mo na mali ang blocking ng mga artista mo. na kulang ang lighting, na mali ang mga linya. and then suddenly it all makes sense. you're making the wrong film pala. fortunately lahat naman may chance na baguhin. lahat naman pwedeng i-practice. i-scrutinize. i-brainstorm. pwede pang mag take-two. so siguro din ngayon naiintindihan ko na. oo. parang ganun na nga. parang mahilig pa rin akong makinig sa love songs. mahilig pa rin akong mag fantasize. marami pa akong naiisip na magagandang eksena. inlove pa rin ako sa idea ng love. pero ngayon sinusubukan kong bumuo ng isang bagong storya. yung phenomenal naman. yung tipong kakaiba. yung di pa naririnig. yung di ko inaakalang posible pala. oo. siguro yung tipong di na matatapos...
0 comments:
Post a Comment